‘Disiplinadong Pasko’ hiniling ng CBCP

HINIMOK ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na magkaroon ng isang “disiplinadong Pasko” para sa kapakanan ng mga biktima ng bagyong “Sendong” sa Mindanao.

Ayon kay Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Canon Law, maipakikita ang isang disiplinadong Pasko sa pamamagitan nang pagbabawas ng holiday expenses na sa halip na gastusin sa hindi importanteng bagay ay ipagkaloob na lamang sa mga typhoon victims.

Naniniwala ang CBCP official na sa pamamagitan nito ay matututo ang mga Pinoy kung gaano kahalaga ang aral ng pagkakaroon ng pagmamalasakit at compassion sa kapwa.

Giit pa ng obispo, mas magiging makabuluhan ang Pasko ngayong araw kung tutulungan ang mga survivor ng bagyong “Sendong” na magkaroon ng pag-asa at makabangong muli mula sa pagkakalugmok.

“Our Christmas would be meaningful this year if we get up and help our brothers and sisters, who fell victim to this force of nature. Our disciplined celebration of Christmas, the restrained cut-down of our holiday expenses for the sake of our brothers and sisters would in a long way teach us precious lessons of compassion, care, and concern,” bahagi ng Christmas message ni Medroso.

Kasabay nito, sinabi ni Medroso na ang naganap na trahedya ay isa lamang sa mga trahedya na maaaring makatulong sa mga Pinoy na ma-realize ang tunay na mensahe ng Pasko.

“Sad realities of life often help man breaks open the secret message of Christmas. Of late our country has undergone social, political, and climactic upheavals whose impact cannot as yet be measured or figured out. That these happened in this moment of our history is worth looking into. What is God’s Christmas message to us?” aniya.

“It is in the midst of these misfortunes that God is deeply sensed to bring redemption to a man who needs redemption; to a person who is weighed down by his guilt, and is suffering from an existential evil, such as flood that drowned his loved ones and carried away all his belongings. It is in the midst of these variegated ills and tragedies of life that God is discovered to be the God who existentially listens to the cry of the poor. Keeping records of these encounters would eventually develop within man a solid foundation of his being. God becomes his foundation,” paliwanag pa nito.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot sa may 14,000 pamilya ang magpa-Pasko lamang sa mga evacuation centers matapos na wasakin ng bagyo ang kanilang mga tahanan. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply