Disyembre 30: Araw ng bitayan at bombahan

ARAW ngayon ng pambansa nating bayani na si Gat Jose Rizal.

Pero araw din ng isinuka ng mga Iraqi na si Saddam Hussein.

At araw din ng Jema-ah Islamiyah sa repablik ni Juan.

oOo

Binabanggit natin ang mga pangalang ito dahil sa mga mahahalagang pangyayari sa ating kasaysayan. Si Rizal ang nagpalagablab ng rebolusyong Katipunan laban sa mga Kastila na umalipin at nagpahirap sa lahi ni Juan sa loob ng 333 taon.

Lumaya tayo sa kuko ng mga mapang-alipin at mapagpahirap na mga dayuhan makaraang gisingin ng pagbitay kay Rizal ang makabansa at makataong damdamin ni Juan.

Kahit ang lubos na paglaya natin sa mga Kastila ay hindi lubos dahil ibinenta tayo ni Ferdie Magellan at Padre Damaso kay Uncle Sam sa halagang $20 milyon noong Disyembre 10, 1898, ang mahalaga ay lumaya tayo sa kanila makaraan ang madugong himagsikan para sa kalayaan.

oOo

Isang malupit na diktador naman si Saddam Hussein sa Iraq ngunit nakapagtataka na itinaon ang pagbitay sa kanya sa araw ng pagbitay rin kay Rizal.

At muntik pang magkasabay ang pag-firing iskwad kay Rizal (alas-7 ng umaga) at ang pagbitay sa tali kay Saddam (alas-6 ng umaga) noong 2006.

oOo

Isa ring malupit na grupo ang teroristang Jemaah Islamiyah. Akalain ba nating dahil sa galit nila kay Uncle Sam, eh,  tayo  pa  ang kanilang pinagdiskitahan.

Hayun at pinagbobomba tayo noong Disyembre 30, 2000 hanggang sa makapatay silang 22 inosenteng sibilyan.

oOo

Ano’t anoman, pinakamahalaga ang kay Rizal.

May dumating mang Saddam o JI sa buhay natin, alalahanin lang natin si Rizal at tayo’y lalaya maging sa mga diktador o terorista.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply