‘Divorcee haven’ campaign pinabulaanan

WALA umanong plano ang Department of Tourism (DOT) na ikampanya ang Pilipinas bilang isang “divorcee haven.”

Ito ang paglilinaw ni Tourism Assistant Secretary at spokesperson Benito Bengzon kasunod nang ginawang pagbatikos sa kanila ng Simbahang Katolika na nagsabing ang naturang programa ng “divorcee haven” ay “sampal” sa mga Pinay, na magmumukhang “cheap” sa mata ng mga dayuhan.

Ayon kay Bengzon, wala silang nilulutong kampanya para gawing “divorcee haven” ng mga dayuhan ang Pilipinas.

Maaari aniyang nagkamali lamang ng interpretasyon ang ilan sa naging pahayag ni Tourism Assistant Secretary Domingo Ramon Enerio nang siya ay dumalo sa isang kumperensya.

Ipinaliwanag pa ng opisyal na ang nais umanong iparating na mensahe sa nasabing kumperensya ay ang plano ng DOT na i-promote ang Pilipinas bilang lugar kung saan maaaring manatili ang mga retiree at hindi kinakailangang mga diborsyado.

Matatandaang binatikos nina Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani at Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang umano’y “divorcee haven” campaign plan ng DOT para makapanghikayat lamang ng mga dayuhang turista.

Ayon sa mga Obispo, ang dapat na i-promote ng DOT ay ang ‘di mabilang na naggagandahang lugar sa bansa. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply