DOH nagbabala sa pagkain ng isdang butete

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) sa publiko na bawal ang pagkain o pagbebenta ng butete dahil sa taglay nitong nakakalason.

Ginawa ng DOH ang babala matapos na may maiulat na nasawi dahil sa pagkain ng ginataang butete sa lalawigan ng Masbate na ikinamatay ng anim na katao.

Ayon nsa ipinalabas ng advisory ng DOH, mahigpit nang ipinagbabawal ang pagkain ng butete at pagbebenta nito.

Ang taglay umano nitong toxic na nakukuha sa mga bituka, atay at balat ng isda  ay hindi natatanggal sa pamamagitan lamang ng paglilinis.

Nabatid na makakaranas ng pananakit ng ulo, panghihina, pagkahilo at pagkaparalisa ang sinumang makakain ng butete. Maari rin mauwi sa kamatayan kapag maraming nakain na butete.

Ayon pa sa DOH ang simtomas nito ay mararamdaman 20 minuto hanggang dalawang oras matapos ang pagkain ng isdang butete.

May mga espesyalista sa iba’t ibang bansa naman umano na kayang tanggalin ang lasong taglay ng naturang isda ngunit wala pa ito sa Pilipinas.

Matatandaan na nasawi sa pagkain ng ginataang isdang butete sina  Catalino Esplana, 60, Vicente Hawili, 18, Eden Ello, 65, Pascual Ello, 77, at dalawa pang kasama ng mga ito na kinilala lamang sa pangalan na Sonia, 70, at Mahanitoy, 35, pawang residente ng Barangay Balod, San Pascual, Masbate. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply