DOH nagbabala sa water borne diseases

BUNSOD nang nararanasang pag-ulan at pagbaha, pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko, partikular ang mga residente ng Central Visayas, na mag-ingat laban sa mga water-borne diseases.

Nabatid na kabilang sa mga apektado ng mga pag-ulan at pagbaha ay ang mga lalawigan ng Bohol, Cebu, Negros Oriental at Siquijor.

Pinayuhan ni Dr. Susana Madarieta, direktor ng DOH Region 7, ang publiko na pakuluan munang mabuti ang tubig bago ito inumin.

Ayon kay Madarieta, ito ay bunsod nang posibilidad na kontaminado ng bacteria ang tubig na posibleng magdulot ng mga sakit tulad ng gastroenteritis, typhoid fever, cholera, at hepatitis A.

Maaari aniyang pakuluan ang tubig sa loob ng dalawang minuto at palamigin bago inumin.

Dapat din aniya na iwasan ang paglusong sa baha upang makaiwas sa leptospirosis dahil sa posibilidad na kontaminado naman ang tubig-baha ng ihi ng mga hayop tulad ng daga.

Bukod sa mga nasabing sakit, ay huwag din kalimutan ang posibilidad ng pagtaas ng mga kaso ng dengue at malaria na nakukuha sa kagat ng lamok.

Sinabi ni Madarieta na kapag umuulan ay mas dumarami ang mga lamok kaya naman dapat na ugaliing maglinis lalo na sa mga itinuturing na mosquito breeding area tulad ng mga stagnant water.

Tiyakin rin na laging nakatakip ang mga sisidlan ng tubig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply