DOH naka-red alert na para sa Bagong Taon

NASA red alert status na ang Department of Health (DOH) kaugnany sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay Health Undersecretary Elmer Punzalan, magtatagal ang red alert status bukas (Enero 1) at paiigtingin pa ito kung kinakailangan.

“Ngayon red alert na yan at during the peak hours, hanggang kinabukasan pa and the succeeding days after revelry,” ayon pa kay Punzalan.

Ilang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon ay alerto na ang lahat ng mga ospital, doktor at nars dahil na rin sa pagtaas ng bilang ng mga biktima ng paputok hindi pa man sumasapit ang New Year’s eve.

Kaya naman ang ginawang paghahanda ng DOH ay upang mas tiyak na ligtas ang sinumang mabibiktima ng firecrackers related injuries kabilang na rito ang mga matatamaan ng ligaw na bala.

Tiniyak rin ng kagawaran na may sapat na gamot at personnel sa mga government hospital  para sa pasyente na mapuputukan sa New Year’s eve.

Sinabi rin ni Punzalan na may partikular din silang nakaalerto para sa tetanus dahil sa posibleng pagkakaroon ng komplikasyon.

“We are aware of possible complications that tetanus can cause. It takes effect after one is injured,” ani Punzalan.

Sa pinakahuling tala ngayong umaga, ay umaabot na sa mahigit 200 ang biktima ng paputok  bukod pa rito ang mga tinamaan ng ligaw na bala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply