DOH sa publiko: Umiwas sa paputok!

MULING nagpaalala ngayon ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasang magpaputok lalo pa at patuloy na tumataas ang bilang ng mga nabibiktima nito.

Pinayuhan din ng ahensya ang mga mabibiktima ng paputok na huwag lagyan ng ointment kapag nagkaroon ng lapnos.

Sinabi ng DOH na dapat hugasang mabuti gamit ang sabon at malinis na tubig ang bahagi ng katawan na tinamaan ng paputok.

Para naman sa mga batang nakalulon ng pulbura, dapat painumin ng eggwhite mula sa limang itlog habang sa matatanda naman ay sampung (10) eggwhite. Ayon sa DOH, ito ay upang maproteksyunan ang lamang loob sa lason ng pulbura ngunit iginiit ng ahensya na dapat na agad na isugod sa ospital lalo na ang mga tinamaan ng ligaw na bala.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply