DoH-update: 141 na ang nabiktima ng paputok

INIULAT ng Department of Health (DOH) na mula Disyembre 21 hanggang 6:00 ng umaga ng Disyembre 28 pa lamang ay lomobo na sa 141 ang bilang ng mga nabiktima ng paputok.

Batay sa surveillance update ng Aksyon: Paputok Injury Reduction (APIR) ng DOH, may 133 sa nasabing bilang ay nabiktima ng paputok, pito ang tinamaan ng ligaw na bala at isa ang firework ingestion o nakalulon ng paputok.

Sinabi naman ng DOH na bagamat tumaas ang bilang ng fireworks-related injuries (FRI), mas mababa pa rin ito ng 18 porsyento kumpara noong nakaraang taon.

Ayon sa DOH, pinakamalaking porsyento ng mga nabiktima ay nasa pagitan ng edad isa hanggang 10 taong gulang.

Ang 83 sa mga biktima ay aktibo umanong gumagamit ng paputok o yung mga direktang naputukan habang ang 102 sa mga biktima ay nasunugan ng balat, 10 ang may burn with amputation at 20 ang nagtamo ng pinsala sa mata.

Umabot naman sa 72 porsiyento sa mga naitalang firecracker injuries ay dahil sa mga iligal na paputok pangunahin na ang piccolo.

Wala naman naiulat na namatay dahil sa aksidente.

Bagamat isang anim na taong gulang na lalaki na ang unang iniulat na namatay matapos masabugan ng paputok na binili ng kanyang ama sa Bulacan. Nasa kritikal na kondisyon naman ang kanyang ama.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply