DoH UPDATE: 2 patay, 173 sugatan sa paputok

BUNSOD nang pagsapit ng bisperas ng Bagong Taon ngayong araw, lalo pang pinaigting ng Department of Health (DOH) ang kanilang kampanya laban sa paputok makaraang dalawa na ang binawian ng buhay dahil dito.

Una ay ang batang kasama na nasabugan ng kanyang ama, at ang pangalawa ay ang pulis na nakipagbarilan sa mga nagbebenta ng paputok kahapon sa Quezon City.

Hinimok naman ng DOH ang publiko na umiwas sa paggamit ng paputok upang malayo sa disgrasya.

Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, malaking salapi ang ginagastos ng pamahalaan para sa pagpapagamot sa mga nabibiktima ng paputok sa bansa sa panahon ng Pasko at Bagong Taon.

Aniya, ang government hospitals ay gumagastos ng hanggang tig-P25,000 sa pagpapa-ospital sa bawat biktima ng paputok.

Nabatid na ang halaga ng hospitalisasyon ay aabot ng mula P3,000 hanggang P25,000 bawat pasyente na mako-confine sa isang government hospital habang ang mga outpatient naman ay ginagastusan ng P2,000 bawat isa sa paggamot lamang sa kanilang sugat.

Kaugnay nito, muling hinimok ni Tayag ang publiko na sa halip gumamit ng mga delikado at mahal na paputok ay mas mabuti aniya kung gagamit na lamang ng mga alternatibo at ligtas na pamamaraan upang makapag-ingay sa Bagong Taon.

Una nang inilunsad ng DOH ang ‘Goodbye Paputok’ kung saan maaaring makarinig ng mga tunog ng iba’t ibang fireworks gamit ang CD, na maaaring i-download mula sa website ng DOH, nang hindi nalalagay sa alanganin ang buhay at mga parte ng katawan.

Batay sa DOH Surveillance Report No. 8 ng DOH, umakyat na sa 173 ang bilang ng mga paputok mula Disyembre 21 hanggang 6:00 ng umaga ng Disyembre 29.

Bagamat nadagdagan, sinabi ng DOH na mas mababa pa rin ito ng 28 kaso o 13.9% kumpara sa naitalang 201 kaso sa kahalintulad na petsa sa pagsalubong sa Taong 2011.

Nabatid na sa nasabing bilang, 163 o 94.2% ang sanhi nang paggamit ng paputok.

Nadagdagan naman ng tig-isa ang mga tinamaan ng ligaw na bala na mula sa dating pito ay naging walo (4.6%) na ngayon habang mula sa dating isa, ay naging dalawa (1.1%) na rin ang nakalunok ng paputok.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply