DOH UPDATE: Tinamaan ng paputok, umabot na sa 200

UMAKYAT na sa 200 ang bilang ng mga nabiktima ng paputok dalawang araw bago pa sumapit ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Datapwat sinabi ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag na mas mababa pa rin ito kumpara sa naitalang kaso noong nakalipas na taon, wala pa ring puknat na kampanya ng kanilang kagawaran para tigilan na ang paggamit ng paputok.

Partikular na pinaalalahanan ng DOH ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak, lalo na ang mga bata dahil lumalabas sa talaan ng mga kaso ng naputukan na mga batang 10 taon pababa ang karaniwang nabibiktima.

Ayon pa kay Tayag, ang piccolo na isang uri ng maliit na paputok, ang kadalasang nagiging sanhi ng mga trahedya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply