DOJ magbibigay ng reward sa ikadarakip ni Palparan

PINAPLANO na ng Department of Justice (DOJ) ang paglalaan ng pabuya para sa agarang ikadarakip ng puganteng si retired Army Major. Gen. Jovito Palparan.

Bagama’t nagpadala na si Palparan ng surrender feelers kay Justice Secretary Leila de Lima minabuti nilang maglaan ng reward sakaling walang mangyaring pagsuko sa retiradong heneral.

Sinabi ni De Lima, na kung walang kahihinatnat ang paghahanap kay Palparan, ay makikipagpulong na siya kay Interior Secretary Jesse Robredo para sa ibibigay na halaga ng reward money.

Bago ito, inamin ni De Lima na sa pamamagitan ng isang emisaryo, nagpadala ng feelers ang retiradong heneral ngunit hindi nila malaman kung kailan ito lulutang.

Si Palparan ang tinaguriang “Berdugo” ng mga aktibista ay nahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply