Dole nagpaalala sa pay rules ngayong holiday

HINIKAYAT ng Departement of Labor and Employment ang lahat ng mga may-ari ng pribadong establisimyento na sumunod sa inilabas na pay rules ng ahensya para sa kanilang mga mangagawa ngayong holiday.

Ayon sa DOLE, tatlo ang regular holidays, ang Pasko (Disyembre 25), Rizal Day (Disyembre 30) at New Year’s Eve (Disyembre 31), habang ang New Year’s Day (Enero 1) naman ay isang special non-working day.

Batay sa ilalim ng Proclamation 84 2010, nakasaad na ang regular holidays ay ang Pasko at Rizal Day habang non-working special day naman ang New Year’s eve gayundin ang Bagong Taon na regular holiday.

Nilinaw pa ng Dole, na ang mga manggagawa na papasok at hindi papasok sa tatlong regular holidays ay makatatanggap ng 100% ng kaniyang sahod.

Tatanggap naman ng 200 % sa regular na sahod kung magtatrabaho sa regular holidays ang isang empleyado at karagdagang 30% sa hourly rate sakaling kailanganin nitong mag-overtime.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply