Donaire tuloy sa featherweight

AAKYAT na ng featherweight si world bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr. pagkatapos ng kanyang laban kay dating super bantamweight titlist Wilfredo Vazquez Jr. sa San Antonio, Texas.

Ayon sa ulat, dahil sa maraming makakalaban si Donaire sa naturang dibisyon ay ikinukonsidera na umano ito ng Filipino Flash.

Ang laban ni Donaire kay Vasquez ay undercard sa Julio Cesar Chavez Jr. bout sa February 4.

Haharap si Donaire sa top-five 122-pounder para sa bakanteng korona.

Sinasabing pag-aagawan ng dalawa ang WBO super bantamweight na korona na binakante ni Mexican champion Jorge Arce.

Ikinatuwa naman umano ni Vazquez na magkakaroon siya ng tsansang makaharap si Donaire.

Si Vazquez ay anak ni Puerto Rican boxing great Wilfredo Vazquez Sr. at tanging si Arce ang nakatalo sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply