Donaire-Vazquez bout magiging madugo

NAGPAHAYAG ang kampo ni three-division world champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire na magiging madugo ang laban nila ni former junior featherweight champion Wilfredo Vazquez Jr. sa February 4, 2011.

Ang bakbakan ng dalawa ay gaganapin sa Alamodome sa San Antonio kung saan marami nang fans ang nag-aabang.

Ayon kay Donaire, pinaghahandaan na niya nang todo ang laban na ito at tiyak umano na mahihitik ito sa aksiyon.

Magbabangasan sina Donaire at Vazquez Jr. para sa bakanteng WBO junior featherweight title.

Kasama sa card ang laban nina undefeated world middleweight champion Julio César Chávez at #1 contender Marco Antonio Rubio.

Kaya naman, dahil sa malulupit na boksingero ang itatampok sa card, ngayon pa lamang ay marami nang gustong bumili ng tickets para sa naturang laban.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply