Donasyon na sahod ni GMA kinilala ng Palasyo

TINANGGAP ng Malakanyang ang pagdo-donate ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang sweldo para sa mga biktima ng bagyong Sendong.

Sinabi ni Presidential Political Adviser  Ronald Llamas, natuwa sila sa pagiging “good Samaritan” ng dating lider kaya kanila iyong kinilala.

Aniya, sa ganitong pagkakataon ay kailangan talaga ang pagtutulungan ng lahat. At ang tulong na manggagaling sa iba’t ibang indibidwal sa kahit na anumang paraan ay katanggap-tanggap.

“Any assistance provided for our people in the calamity areas is most welcome  and greatly appreciated. It is during times or great disaster that we must all come together in unity as a nation. I cannot speak for the pres and other cabinet members but each of us has his/her own way of helping and donating one’s salary is one way of doing this. But what is most important is that we all come together to help in any way we can our brothers and sisters in Mindanao and other calamity areas,” ayon kay Sec. Llamas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply