Dos at Siyete iiwan daw nang milya-milya ng Singko? (Ows? Talaga lang, huh?)

KUNG naging maganda sana ang ginawang pag-uusap ng Star For All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos-Recto at ng mga taga-Kapatid Network, matagal na rin sanang nasa kuwadra ng TV5 ang aktres. At kapag nangyari ito, ang Singko na marahil ang siyang nangungunang network ng ating bansa sa ngayon. Biruin mo nga naman, nasa isang istasyon ang mga Super Mega Diamond Star For All Seasons na hindi kailanman nagawa ng isang network. ‘Yun nga lang, hindi pa nakukuha ng TV5 ang serbisyo ni Ate Vi, kaya ang tatlong Super Mega Diamond Star pa lang ang magkakasama sa Kapatid network.

Ganun pa man, mabigat pa rin na maituturing ang pagsasamang ‘yun nila Nora Aunor, Sharon Cuneta at Maricel Soriano sa Singko. Isang malaking banta sa bawa’t istasyon ng telebisyon ang mga programang gagawin ng tatlong aktres. Kaya, ngayon pa lang nag-iisip na ang mga kalabang network ng Kapatid kung anong klaseng programa ang ihahain nila sa kanilang tagapanood para tutukan at panoorin sila. Ang nakatatakot pa, kung magsasama sa isang programa sina Sharon, Maricel at Nora, siguradong olat na ang mga programang tatapat sa kanila. Talagang umalagwa nang husto ang Kapatid network ngayon. Biruin mo, lahat ng malalaking artista na dating nasa pangangalaga ng kalaban nilang istasyon, e, nasa kanila na ngayon.

Ang bigat talaga! Ang balita pa nga, by next year maraming magagandang programa ang gagawin ng Singko. Kaya, dapat lang na mag-ingat at mag-isip-isip ng magagandang proyekto ang ABS-CBN-2 at GMA-7 dahil kung hindi iiwanan sila ng milya-milya ng Kapatid Network. Sigurado ‘yun, promise!

***

WALA na sigurong makapipigil pa sa tamis ng pagmamahalan nila Jennylyn Mercado at Luis Manzano. At sa nakikitang ka-sweet-an ng dalawa masasabing tatagal ang relasyon nila. ‘Yun nga lang, kung meron mang masaya sa pag-iibigan nila Jen at Luis, meron din namang hindi pabor sa kanila. Kasi nga, lapitin ng lalaki si Aktres at lapitin din naman ng mga chicks si Aktor. Kaya, hindi pa rin daw true love ang nararamdaman ng magsyota sa isa’t isa. Pero, marami ang nagtataka sa binata ni Ate Vi, simula kasi nang ma-link ito kay Jennylyn, hindi na ito natsismis sa ibang babae. At talagang nakatutok ang kanyang panahon sa babaing kanyang minamahal ngayon.

Maging si Jennylyn, hindi na rin nali-link sa ibang guy at totoong nakasentro ang kanyang atensyon sa binatang anak na ito ni Edu Manzano. Kung sakaling humantong sa harap ng altar ang kanilang pag-iibigan, masasabing masuwerte si Jen dahil natagpuan niya ang lalaking tunay na magmamahal at kailanman hindi siya iiwan. Higit sa lahat, ipagpasalamat din niya sa Diyos dahil isang matino at matalinong tao ang nag-iisang si Luis Manzano. Ano pa ba ang hihilingin niya, di ba?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply