DOT handa na sa pagdagsa ng mga turista ngayong holiday season

NAKAHANDA na ang Department of Tourism (DOT) sa inaaasahang pagdagsa ng mga bakasyunistang turista lalo na ang mga dayuhan sa iba’t ibang tourist destination sa bansa para sa nalalapit na holiday season.

Nabatid kay Tourism Assistant Secretary Benito Bengzon na handang-handa na ang kanilang mga tauhan sa mga paliparan upang salubungin ang mga balikbayan at maging mga dayuahng turista.

Dahil sa inasasahang pagdami ng mga bakasyunista, magtatalaga ng mga  Tourist –Oriented Police for Community Order and Protection (TOP COP)  ang kagawaran sa 15 pangunahing tourist spot sa bansa.

Kabilang sa mga ito ang Bohol, Palawan, Cebu, Boracay at Rizal Park sa Maynila.

Kaugnany nito, lalo pang pinaigting ang seguridad sa mga nabanggit na pasyalan upang matiyak ang kaligtasan ng mga turista.

May mga inihanda na rin ang DOT na mga cultural presentation at iba’t ibang pakulo upang lalo pang mapasigla ang turismo ngayong panahon ng kapaskuhan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply