DOT nagpakalat ng 1,200 police personnel

NAGPAKALAT ang Department of Tourism (DOT) ng may 1,200 police personnel ngayong panahon ng Kapaskuhan upang magbigay ng seguridad sa mga pangunahing tourist destination sa bansa.

Ayon kay Tourism Department spokesman Undersecretary Benito Bengzon Jr., ito ay bahagi ng kanilang paghahanda para sa inaasahang pagdagsa ng mga turista sa bansa ngayong holiday.

Ani Bengzon, bago ipinakalat ang naturang 1,200 na pulis ay sumailalim muna sa Tourist-Oriented Police for Community Order and Protection (TOPCOP) program sa loob ng isang taon.

Trabaho ng mga ito na bantayan ang mga pangunahing destinasyon sa bansa tulad ng Cebu, Bohol, Palawan, Boracay at maging ang Rizal Park sa Maynila.

Bukod dito, naghanda rin umano ang DOT ng mga gimik at mga programa para sa mga dayuhan at mga Pilipinong turista. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply