DOTC ‘double-time’ sa pagkukumpuni ng NAIA terminals

DOUBLE-TIME ngayon ang Department of Transportation and Communications (DOTC) at iba pang ahensya ng pamahalaan para sa pagkukumpuni sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Ang pagpapaganda ng paliparan ay aabot umano sa P1 bilyon.

Ang pagsasaayos ng NAIA ay matapos na atasan ni Pangulong Benigno Aquino III si Transportation Secretary Mar Roxas na tiyaking handa ang paliparan sa pagdagsa ng milyong turista sa taong 2016.

Samantala, nabatid kay Manila International Airport Authority Senior Assistant General Manager Antonio Bautista, na may anim pang nakatenggang proyekto na nagkakahalaga lamang ng P845 milyon para sa paggawa ng runaway at mga access road ng nasabing paliparan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply