DOTC paiigtingin ang seguridad sa LRT, MRT

INATASAN ngayon ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ang pamunuan ng Light Rail Transit at Metro Rail Transit na maging alerto at paigtingin pa angkanilang ipinatutupad na seguridad.

Ang kautusan ng DOTC ay partikular sa pamunuan ng MRT at LRT bilang paghahanda sa mas ligtas na pagbiyahe ngayong panahon ng Kapaskuhan dahil sa inaasahang pagdami ng mga pasahero.

Ayon kay LRTA Spokesperson Atty. Hernando Cabrera, tiniyak na nilang maayos ang lahat ng tren para walang aberyang magaganap.

Maglalagay na rin sila ng special lanes sa mga istasyon ng tren para sa mga pasaherong may bitbit na regalo para isa-isang bubuksan ng mga guwardiya ang mga ito.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Cabrera ang lahat ng pasahero na kung sasakay ng MRT/LRT na may dalang regalo ay mas mabuting huwag muna itong balutin dahil ito ay kanila ring bubuksan para inspeksyunin.

Sa ngayon ay kanila pa ring pag-aaralan kung magpapatupad ng extension sa biyahe ng MRT at LRT dahil isinasaalang-alang  nila ang maintenance period para sa mga tren.

Inihayag din ni Cabrera na sa ngayon ay walang pang kautusan kung kailan ipapatupad ang fare adjustment. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply