DPWH: Asahan ang matinding traffic sa Metro Manila

PINAALALAHANAN ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-National Capital Region ang mga motorista na asahan na ang pagsisikip ng trapiko ngayong weekend.

Ang pagsisikip ng trapiko ay dahil sa pagsasaayos at pagkukumpuni sa ilang pangunahing kalsada sa kamaynilaan.

Ang pagsasaayos ng pangunahing kalsada ay siniumula noong Biyernes (Disyembre 2) ng alas-10 ng gabi at magpapatuloy hanggang Lunes (Disyembre 5) ng alas-4:00 ng umaga.

Ilan sa mga daang maaapektuhan ay ang Edsa southbound sa bahagi ng Quezon City partikular na ang Kaingin Road hanggang Quezon Avenue; Commonwealth Avenue-Zuzuaregui patungong Commonwealth Market at Feria Road at Ilang-Ilang northbound.

Samantala ang Metro Manila Development Authority (MMDA) kasama ang mga lokal na pamahalaan Metro Manila ay nagpaalala na huwag maging abusado ngayong Kapaskuhan ang mga sidewalk vendors at tiangge owners.

Sa pagkakataong  ito, hindi na magdadalawang isip ang kagawaran na kumpiskahin ang mga paninda kapag nakikitang nakahambalang sa daanan at nakakaperwisyo sa publiko.

Kasabay  nito, sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na iwasang maglatag ng paninda sa kalsada at sa mga foot bridge lalo na sa bahagi ng Baclaran, Carriedo, EDSA  at Commonwealth. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply