DPWH: Konstruksyon ng P11.6-B TPLEX tuloy-tuloy

UPANG mas mapabilis pa ang takbo ng kalakal at komersyo sa Northern Luzon, isinasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapaganda at pagsasaayos ng Tarlac-Pangasinan-La Union Toll Expressway o TPLEX.

Ayon kay Public Works Secretary Rogelio Singson, ang nasabing proyekto ay may habang 88.58 kilometro mula La Paz, Tarlac hanggang Rosario, La Union at nagkakahalaga ng P11.594 bilyon.

Sa unang bahagi ng proyekto na mahigit 44 porsiyento nang kumpleto ay ang konstruksyon ng bagong two-lane expreesway, 23 viaduct, walong interchange, dalawang central toll plaza, 12 tulay at 63 underpass.

Ang ikalawang bahagi naman ay ang pagpapalapad sa expressway para maging pang-apatan ang mga lane.

Kaugnay nito, umaasa naman si Singson na maging maayos at lalong mapabilis pa ang takbo ng kalakal sa nabanggit na rehiyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply