Drayber, konduktor ng bus niratrat ng pasahero sa Cotabato

PATAY ang drayber at konduktor ng Weena Bus matapos barilin ng kanilang pasahero kagabi, Disyembre 5, sa Barangay North Manuangan, Pigkawayan, North Cotabato.

Ayon kay North Cotabato Police Chief S/Supt. Cornelio Salinas, sumakay ang suspek na si Milco Lavina, 46, sa bus na minamaheno ni Bobby Valdevieso sa bayan ng Pigkawayan.

Pagkasakay umano ng suspek ay binaril kaagad ang konduktor nito na pinangalanan lamang na Bael. Tinangka pa na pakiusapan ng drayber ang suspek subalit siya ang pinagbalingan at binaril din.

Dahil sa pangyayari, isang saksi ang tumawag sa pulisya at kaagad namang rumesponde ng kapulisan at kinordon ang lugar.

Nangtangka pa umanong tumakas ang suspek at nang-hostage pa na isang labing pitong taong gulang na pasahero ng bus. Dahil napapalibutan na ito ay napakiusapan naman na sumuko na lang nang mahinahon.

Dinagdag pa ni Salinas na may impormasyon sila na may alitan ang suspek at ang konduktor ng bus.

Sa ngayon ay hawak na ng pulisya si Lavina at inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply