Drayber binurdahan ng nag-amok na kelot

NASUGATAN ang isang driver ng motorsiklo makaraang saksakin ng nag-amok na lalaki sa Cubao, Quezon City.

Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, bigla na lamang nanghabol ng saksak ang hindi pa nakilalang suspek na may gulok.

Pumasok pa umano ito sa isang bahay pero agad siyang nakontrol ng mga rumespondeng residente.

Dumating din agad ang mga pulis at dinala na sa presinto ang suspek para imbestigahan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply