P67.86M inilaan ng DSWD sa biktima ni ‘Sendong’

TINATAYANG aabot sa P67.86 milyon ang inilaang tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga nasalanta ng bagyong “Sendong.”

Ayon sa ibinigay na ulat ng DSWD, ang P57.69 milyon nito ay mga relief goods at ang P10.17 milyon naman ay ang standby fund.

Sinabi ni DSWD Secretary Corazon “Dinky” Soliman na ito ay handang ilabas anumang oras kailanganin ng mga apektadong lokal na pamahalaan.

Ipinahayag rin ni Soliman na ang lahat ng DSWD regional offices sa mga apektadong lugar ay naatasan nang maging alerto at agarang makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, tingnan kung gaano ang pinsala ni “Sendong” at magbigay ng tulong sa mga pamilyang nasalanta. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply