DSWD nangangailangan pa ng mga volunteer

NANANAWAGAN ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng karagdagan pang mga volunteer na magbabalot ng relief goods na ipamamahagi sa mga biktima ng bagyong Sendong.

Sinabi ni Social Welfare Development Secretary Dinky Soliman na makipag-ugnayan ang mga nagnanais na tumulong sa DSWD Cagayan de Oro office na matatagpuan sa Masterson Avenue sa Upper Carmen, Cagayan de Oro City o tumawag sa 0906-615-0095.

Ayon rin sa kalihim, umaabot na sa P67.86 milyon ang halaga ng tulong na naipapaabot ng ahensya sa mga biktima ng bagyo.

Maliban dito, ay may P10.17 milyon pa bilang standby funds ang ahensya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply