E-Dalaw ikakasa na sa iba pang city jail sa bansa

MAS maunlad na sistema ng “electronic dalaw” (E-dalaw) ang ilulunsad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lahat ng mga bilangguan sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sinabi kaninang umaga ni BJMP Information Officer Insp. Xavier Solda na magtatalaga ang ahensya ng limang (5) computer sa bawat bilangguan at uunahin ang National Capital Region (NCR), Davao City Jail at Cebu City Jail.

Matatandaang inilunsad ng BJMP sa Quezon City Jail ang nasabing sistema sa bilangguan noong mga nakalipas na buwan na ang layunin ay makatulong sa mga preso na magkaroon ng komunikasyon sa kani-kanilang mga pamilya.

Samantala, inilunsad na rin sa Manila City Jail at Caloocan City Jail ang e-Dalaw system kahapon (Nobyembre 30).

Base sa obserbasyon ni Solda, mayroong nagbago sa pag-uugali ng ilan sa mga preso partikular na sa QCJ simula ng ma-involve ang mga ito sa Internet video call.

“Marami pong nagpapasalamat sa E-dalaw system lalo na po yung mga hindi makadalaw ng personal sa kanilang mga mahal sa buhay,” pahayag ng opisyal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply