Early treatment nakapagpapababa sa panganib ng HIV transmission

“LOW and slow.”

Ganito inilarawan ni Dr. Edsel Maurice Salvaña ng UP Manila National Institutes of Health ang kasalukuyang kalagayan o HIV status sa Pilipinas sa isinagawang Science Information Forum ng Epidemiology of Population at Risk of HIV.

Ayon kay Dr. Salvaña, maituturing ang ganitong sitwasyon dahil sa maraming factors, gaya ng “relative sexual conservatism” at 92.5 porsiyento ng kalalakihang Pinoy ay circumcised na.

Sinabi pa nito na maaaring nakapagpapagaan ang “low and slow” description hinggil sa paglaganap ng HIV subali’t labis na nakababahala naman ang insidente ng HIV sa bansa sa nakalipas na sampung taon base sa naging pahayag ng UNAIDS 2010 report.

Sa naturang report, tumaas ng mahigit sa 800 porsiyento ang mga bagong kaso sa Pilipinas na ang mahigit sa kalahati ng kabuuang kaso ay na-diagnosed sa huling 4 na taon.

“(A person) would not have died of HIV had the (other) person who infected (this person) was treated early,”  saad ni Dr. Salvaña.

“An early treatment with antiretrovirals has been shown to restore life expectancy and a decrease in relative risk of transmission by 96 percent,” dagdag pa nito.

Aminado din siya na wala pang gamot sa HIV subali’t hindi na ito fatal o nakamamatay dahil maaari na itong maagapan lalo na kung ito’y nasa early stage pa lamang.

Kasabay nito, hinimok niya ang bawat isa na sumailalim sa HIV test bago pa mahuli ang lahat. Sa Philippine General Hospital, ang HIV test ay nagkakahalaga ng P285.

Nanawagan siya sa gobyerno at sa media na tumulong na mapataas ang kamalayan ng publiko kung paano makaiiwas na malantad sa virus at paano maka-avail ng HIV tests para sa maagap na paggamot kung mapatutunayang positibo sa virus.

Nanawagan din sa media si Engr. Ma. Lourdes Orijola, assistant secretary, Department of Science and Technology, na buksan ang adbokasiya sa mga kumpanya gaya ng call centers na isama sa kanilang corporate social responsibility ang paglaban sa HIV.

Ang nasabing forum ay inorganisa ng DOST-National Academy of Science and Technology (NAST).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply