Early warning vs ‘Sendong’ inilabas na ng US, Japan

BAGO pa man ang pananalasa ng bagyong Sendong sa Mindanao, alam na ng scientists ang lawak at tindi ng pinsalang hatid nito.

Dalawang araw bago ang “landfall” ng bagyo, inihayag ng Tropical Rainfall Measuring Mission (TRMM), isang joint US-Japanese scientific project, na nakita ng kanilang satellite ang lawak ng kaulapang dala ng tropical storm na may international name na “Washi”.

Batay sa TRRM data analysis noong December 15, ang bagyong Sendong ay nagtataglay na ng “very heavy rainfall of over 50mm/hr (~2 inches).”

Ito umano ay kasing tindi ng ulang ibinuhos sa Metro Manila ng bagyong Ondoy noong taong 2009 na umabot ng 56.83 mm/hr.

Pero sa sariling forecast ng Pagasa sa nabanggit na petsa, itinaya lamang sa 10-25 mm per hour rainfall ang babala sa bagyong Sendong.

Sa katunayan, inilagay lamang ng local weather bureau sa signal number 2 ang pinakamataas na alerto sa mga maapektuhang lugar.

Ang TRMM ay kinabibilangan ng mga scientists mula sa National Aeronautics and Space Administration ng Amerika (NASA) at Japan Aerospace Exploration Agency (JAXA).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply