EcoWaste: Usok, kulay ng firecrackers mapanganib

NAGBABALA ang Ecowaste Coalition sa panganib na idudulot ng nakalalasong usok na nalilikha ng mga paputok na ginagamit sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa pinakahuling ulat ng Ecowaste Coalition, ang sparkler o luces na inaakala nating pinakaligtas na paputok para sa mga kabataan ang siyang nagtataglay ng pinakamaraming lason at mapanganib sa kalusugan ng tao.

Bumili ang EC ng 11 klase ng paputok sa Divisoria at sinuri ang mga ito sa pamamagitan ng paggamit ng isang handheld device na X-ray Fluorescence (XRF) analyzer.

Batay sa kanilang pagsusuri, nabatid na nagtataglay ang mga ito ng mga nakalalasong kemikal tulad ng arsenic, barium, cadmium, chromium, copper, lead, manganese, at zinc na mga ginagamit upang makalikha ng nagagandahang kulay at malalakas na ingay.

Ang luces o sparkler na nabebenta sa halagang P20 ang may taglay na 25,000 barium, 2,935 ppm na zinc, 1,874 na manganese, 807 na chromium at 17 ppm na arsenic. Kaya’ ang luces sa lahat ng paputok ang nagtataglay ng pinakamaraming nakalalasong kemikal na nalalanghap sa ibinubuga nitong usok.

Sumunod naman dito ang tinatawag na “pili cracker” na nagtataglay naman ng 5,126 na lead at 1,492ppm na copper at sinundan ng “Christmas Tree” na may taglay na 195 ppm na cadmium.

Sinabi ni EcoWaste Coalition Iwas PapuToxic Campaigner, Aileen Lucero na sila ay nangangamba sa mga panganib na idudulot nito sa kalusugan dahil sa hinahawakan lang ang mga ito kaya’t direktang nalalanghap ang mga usok na kanilang inilalabas.

“Ang kemikal na smog ay mananatili ng ilang oras at minsan bumibilang pa ng araw kaya ang kapaligiran ay nagiging isang gas chamber. Ito ay lubhang mapanganaib sa mga bata, buntis, matatanda, at mga taong may asthma,” aniya pa.

Samantala, sinabi naman ng Department of Health (DOH) na ang mga tao sa lungsod ay lantad na sa iba’t ibang klaseng polusyon kaya ang karagdagang lasong dulot ng mga paputok ay talagang mapanganib sa kalasugan.

Nanawagan din ang DOH na panatilihing kumpleto ang mga parte ng katawan sa pamamagitan ng pag-iwas at di paggamit ng paputok.

Sinabi ni Health Secretary Ona, na sa halip na ibili ng mga paputok higit na maganda ang mapupuntahan ng pera kung ito ay itutulong sa mga biktima ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro at Iligan City.

At dahil sa matinding idudulot ng mga paputok, sa kalusugan, klima at kapaligiran, hinikayat ng Ecowaste ang publiko na itakwil ang paggamit nito.

Ipinarerebisa rin ng grupo ang mga batas na nagtataguyod ng malinis na kapaligiran.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply