Ed Villanueva ng Kyusi at modus ng Richwell Trading

NOONG Lunes ay isang DJANGGA ng QC Hall ang isinulat ng ULTIMATUM na umano’y nagpapadugo sa mga negosyante ng Kyusi.

Para bang sinasabing ito ang nagpapahirap sa mga negosyante at dahilan kung kaya hindi umaasenso ang kabuhayan sa siyudad ni Mayor Bistek Bautista.

ANG TUNAY NA PAHIRAP

Isang negosyante ng Kyusi na tumangging ipabanggit ang pangalan ang nagsabing ang tunay na pahirap ay ang Special Task Force ni City Treasurer Edgar Villanueva na pinamumunuan ng isang Ed Evangelista.

Ito raw yung grupo na humahawak sa malalaking accounts sa Kyusi na kadalasan ay “aregluhan” ang usapan.

ANO ANG ITEM NI EVANGELISTA?

Paano naging pinuno ng Special Task Force yang si Evangelista samantala’y “Consultant” ang item n’ya sa city hall.

Consultant?

Tanong tuloy ng ating UZI… “Sulsoltant” ba ang ibig sabihin n’yan sa Tagalog?

Hooops! Pumipirma pa raw sa dokumentio itong si Evangelista.

Aba’y! Matapang!

Bilib naman kami sa tapang n’yo, Sir, hayaan n’yo kapag nakakuha ang ULTIMATUM ng kopya nang napirmahan n’yong dokumento, kakasuhan ho namin kayo sa Ombudsman. PRAMIS!

SINO SI TREASURER ED VILLANUEVA?

Kontrobersiyal na tesorero itong si Edgar Villanueva. Bakit?

Dating Municipal Treasurer umano ito ng Cainta, Rizal na sangkatutak daw ang death threat. Kung bakit? Kayo na ang maghusga!

Ginawa raw itong acting city asst. treasurer sa Kyusi ni dating City Treasurer at ngayo’y City Administrator Vic Endriga at pinahawakan sa kanya ang real estate division.

Sa pag-aakalang magiging matinong opisyal ng Kyusi itong si Villanueva, inindorso ito ni Endriga kay Mayor Bistek na ngayon ay s’ya nang tumatayong City Treasurer dahil nagretiro na si Endriga.

MATINO ITONG SI VILLANUEVA

Ito raw ang isa sa pinakamatinong opisyal ng Kyusi.

Straight na tao!

Straight? May kilala akong “straight.”

Talagang straight kausap, kapag P10 milyon ang aregluhan P10 milyon, wala nang paligoy-ligoy pa.

Hindi ba Atty. Rabby S. na kilala mo yung sinasabi ko?

Mabalik tayo kay Villanueva, magaling daw itong opisyal dahil mahigpit ito pagdating sa koleksyon ng siyudad.

MAGALING SA SASAKYAN

Magaling din ito pagdating sa sasakyan dahil minsan ay BMW na X6 ang sinasakyan nito at siyempre naka-Mercedez Benz naman ang kanyang Kumander.

Aba! Sosyal!

Huwag na nating idamay ang Lexus LX 570 ni Mr. Villanueva baka kasi ideny n’ya na kanya ito.

ETV 33 ang plaka ng SUV na Lexus na nagkakahalaga ng P7M. Hehehe! Personalized pa ang plaka.

Hooops! Baka kay Bro. Eddie Villanueva mo pa ituro yan?

MAGALING ANG SINASAKYAN

Bukod sa sasakyan ay magaling din daw sumakay itong si Mr. Villanueva.

Bukod kay “Tess” na sinakyan nito at lumobo, meron pa itong ipinagmamalaking “May” na nagregalo raw sa kanya ng mga sasakyan dahil milyonarya raw ito.

Kung gaano katotoo ito, si Mr. Villanueva lang ang makapagsasabi n’yan.

SALAMAT ENDRIGA

Salamat, Vic Endriga! ‘Yan ang mga katagang binitiwan ng mga tauhang iniwan ng tinaguriang “little mayor” sa kanyang opisina sa treasurer’s office.

Yan ay para sa kabutihan na ipinamana nito bago s’ya magretiro. Pero ang panganay na pinamanahan na si Ed Villanueva ay mukhang iba ang tono.

Asar daw si Ed kay Endriga dahil kahit na wala na ang matanda sa treasurer’s office ay ito pa rin ang sinusunod ng mga tauhan.

Aha! Nangangamoy “picha” ang usapan.

Silipin nga natin!

RICHWELL TRADING

Ito yung numero unong supplier ng laruan sa Toy Kingdom na nagbukas ng bodega sa panulukan ng Scout Torillo at Sct. Limbaga d’yan sa Kyusi.

Ang “modus” dito ay para bang mas nakamura ka kapag dito ka bumili sa kanilang bodega kumpara sa mga mall.

Nagkakamali po tayo. Personal na inalam ng ULTIMATUM ang reklamo ng isa sa ating uzi at nakita po natin na pareho lang ang presyo ng ibinebenta nila sa bodega at sa mall. Ang pinagkaiba ay lumang stock ang nasa bodega at bago ang nasa mall.

SIRA-SIRA

Mga sira na ang karton o luma na at hindi maibenta ang mga nakalatag sa naturang bodega.

MAPAPAMURA KA

Sa halip na inaasahan mong makamumura ka, kapag nalaman mo ang totoo ay mapapamura ka.

Yan po ang nangyari sa ating uzi makaraang malaman nito na mas mura pa pala kung sa Eastwood, Quezon City s’ya bumili ng mga laruan kaysa sa bodega na bukod sa luma na ay mga sirang laruan pa ang nabili n’ya.

Hooops! Iisa ang may-ari ng tindahan sa Eastwood at bodega.

UZI TEXT

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema puro agency.

Sana po ang asikasuhin ng gobyerno ay kung paano mapababa ang pagkuha ng requirement ng mga nag-aaply ng trabaho. Puro agency na ngayon at ang daming hinihinging requirements. Gagastos ka muna ng P2,000 bago magkaroon ng work na hindi pa sigurado. Ano ba yan. Paano yung mga mahihirap? Kaya ang dami nang krimen ngayon. Tutukan niyo naman po yan.  +63930271….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph, itawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply