Ekonomiya ng bansa matatag at di matitinag

NAGAGAMPANAN ng Economic Managers ng gobyerno ang kanilang mga trabaho kung ikukumpara sila sa mga katulad nila sa Europa na may malalaking problema sa debt crisis, ayon kay Executive Sec. Jojo Ochoa.

Kitang-kita naman natin kung paano napananatili ng gobyerno ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagiging matatag ng kalagayan sa pananalapi ng bansa at matibay ang paniniwala ni PNoy na maaring magpatuloy ito hanggang sa susunod na taon.

Matatandaan na nitong  nakaraang Linggo ay iminungkahi ng Paris-based na OECD sa policy-makers sa buong daigdig na paghandaan ang posibleng paglaganap pa sa maraming bansa ng malubhang debt crisis sa Europa.

Nagagawang maiwasan ng Pilipinas ang pagkalugmok ng ibang bansa.

Katunayan daw, isang katibayan dito ang tumataas na paggugol ng salapi sa imprastraktura na magpapatuloy hanggang sa susunod na taon.

Ang isa pa raw na pruweba ay ang hindi pangungutang nang malaki ng bansa at pati na rin ang masinop na pagnenegosyo ng mga barko at iba pang institusyon na may kinalaman sa pananalapi.

Sa ngayon daw ay patuloy ang pagkabigo ng mga pinuno ng European Union na masugpo ang debt crisis na nagsimula sa Greece at maaari pang lumawak ito. Inihayag pa ni Ochoa na makikita sa mga datos sa ekonomiya na patuloy na umuunlad ang ekonomiya ng ating bansa.

Para sa Malakanyang, magandang balita ang kalagayan ng bansa pagdating sa ekonomiya lalo’t papalapit na ang pasko.

Untouchable

Sinasamantala ni Aling Tessie ang Kapaskuhan kaya naglatag ito ng peryahan na pronta ng iligal na pasugalan (color game) na kinawiwilihan ng mga manunugal sa San Pablo, Laguna sa likod ng Jollibee.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply