Ekonomiya ng Pilipinas lalakas sa 2012

LALAKAS at babawi ang ekonomiya ng Pilipinas sa 2012.

Tiniyak kasi ni Budget Sec. Butch Abad, na ngayon pa lang ay nakahanda na ang mga proyektong bubuhusan ng pondo mula sa 2012 National Budget na pipirmahan ni PNoy sa Disyembre.

Nasa P150 billion na aniya agad ang ilalabas ng pondo sa Enero para maaga rin itong matapos.

Kabilang rito ang national roads, irrigation projects at mga Rural Health Units (RHUs).

Pero nilinaw ni Abad na mahigpit pa rin ang kanilang monitoring sa implementasyon ng mga proyekto para hindi makalusot ang mga tiwali.

Matatandaang naging mabagal ang takbo ng ekonomiya ng bansa dahil sa pahinang paggastos at pagtitipid ng Aquino administration ngayon taong 2011.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply