Emergency employment program binuhay para sa mga binagyo

INATASAN na ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz ang Financial Management Service (FMS) ng kagawaran na magpalabas ng P1 milyong pondo para ayudahan ang mga manggagawang sinalanta ng bagyong “Sendong.”

Ayon kay Director Nikon Fameronag, tagapagsalita ng Department of Labor and Employment (Dole), ilalaan ang  halaga para sa kanilang Emergency Employment Program (EEP) at bibigyan ng pansamantalang trabaho ang mga manggagawang apektado ng kalamidad.

Kabilang umano sa mga nabanggit na trabaho ay ang pagtulong sa mga clearing operations, declogging ng mga kanal at pagkukumpuni ng mga pampublikong pasilidad at mga water system.

Higit umano nilang tututukan sa programa ang mga mangagagawa na sinalanta sa Iligan City at Cagayan de Oro City.

Ang emergency employment program ay karaniwang binubuhay ng Dole tuwing dumarating ang kalamidad. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply