Enrile sa Malakanyang at SC: ‘Relax lang’

PINAYUHAN ni Senate President Juan Ponce Enrile ang Korte Suprema at Malakanyang na maging mahinahon sa kanilang iringan sa harap ng panibagong batikos ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon sa senador, co-equal branches ang executive and judiciary ng gobyerno, kaya hindi dapat magbangayan ang mga ito.

Harap-harapan umanong binatikos ni Pangulong Aquino  si Chief Justice Renato Corona isinagawang Criminal Justice Summit kaninang umaga kaugnay ng pabago- bagong desisyon ng Korte Suprema.

Hindi naman nagkomento dito si Corona sa pagsasabing hayaan na ang pahayag ng pangulo dahil magpa-Pasko naman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply