Epekto ng pagmimina binusisi sa Senado

BINUSISI kanina ang mga epekto ng pagmimina sa mga magsasaka at food security ng bansa sa isinagawang padinig ng Senate committee on food and agriculture.

Inihayag ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan, chairman ng komite, na dapat repasuhin na ang mining law.

Kailangan rin aniyang magsagawa ng imbentaryo ng mga farming community para mabigyan ng sapat na suporta lalo na at maraming mining operations sa Palawan.

Humirit rin ang senador ng karagdagang mining application sa bansa.

Dumalo rin sa nasabing pagdinig ay si ABS-CBN Foundation Managing Director Gina Lopez kaugnay ng kanyang organisasyon na “Save Palawan Movement” na kinaaaniban ng mahigit 200 people’s organizations.

Target ng grupo ni Lopez ang 10 milyong lagda para sa kampanyang “No to Mining in Palawan.”

Ani Lopez, sa kasalukuyan ay nakakalap na sila ng tatlong milyong lagda kung saan ang 270, 000 dito ay mula sa mga residente ng Palawan habang mahigit dalawang milyon naman ang mula sa mga kabataan.

Sa pagdinig, sinabi ni Lopez na walang nagaganap na “responsible mining” lalo na sa Palawan dahil ang nakikinabang at kumikita lamang ay ang kompanya ng pagmimina habang ang mga magsasaka ay patuloy na naghihirap at nagdurusa bunga ng mga pagmimina roon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply