Eskuwelahan sa Antipolo nasunog

NASUNOG ang isang paaralan sa lungsod ng Antipolo kaninang madaling araw, Disyembre 2.

Sinasabing faulty electrical wiring sa loob ng kisame ang naging sanhi ng sunog na tumupok sa St. Therese Development Center (STDC) na matatagpuan sa Antipolo Hills, Barangay San Luis, naturang siyudad.

Nagsimula ang sunog bandang ala-1:00 ng umaga at naapula ito alas 2:30 ng madaling araw na tumusta sa mga kagamitan ng eskuwelahan.

Wala namang naiulat na nasaktan sa naturang sunog.

Ayon sa may-ari ng STDC na si Lucia Reyes, halos 200 estudyante ang apektado sa sunog subalit gagawa umano sila ng paraan para patuloy na mabigyan ng aralin ang mga apektadong mag-aaral.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection upang malaman ang totoong naging sanhi ng pagkasunog ng STDC.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply