Eugene Domingo bumigay sa laplapan kay Jay Manalo

HINDI pa rin nagbabago ang fantasy ni Eugene Domingo na para sa kanya ang No. 1 sexy actor ng bansa ay si Zanjoe Marudo.

Sa presscon ng “Shake, Rattle and Roll 13” hiningan ng opinyon si Zanjoe sa pagsabi ni Eugene na siya’y sexiest man alive pa rin para sa actress.

“O, yes! alam ko yan at naramdaman ko nang kami’y mag-partner sa movie na “Kimidora.” Aba, laging malapit ang labi niya sa nipples ko. “

Nang tanungin naman ng mga entertainment press ang reaction ni Eugene sa tinuran ni Zanjoe, nasabi naman ni Eugene. “Natural kasi ang katawan ni Zanjoe. Hindi tulad ng iba diyan na mala-Ninja Turtle ang katawan. Kay Zanjoe, hindi pilit ang muscles. Natural lang talaga!”

Hanggang paghanga lang naman si Eugene kay Zanjoe. Alam naman nitong may Bea Alonzo na ang aktor.

Ani Eugene: “Alam ko naman kung sinong lalaki ang bagay sa akin. Saka masaya na ako sa pagiging single ko.
Natutuwa lang ako sa set pagdating ko na may makakasama akong ganoong kaguwapong lalaki. Hanggang ganoon lang ako.

“Masaya na ako na maraming trabaho. Maraming naniniwala sa akin. Pagkatapos ng sunud-sunod na trabaho, bakasyon naman ng isang linggo. Balak kong puntahan naman ang Taiwan.”

Bida pala si Eugene sa episode na “Rain, Rain Go Away.” Kapartner niya rito si Jay Manalo. Anak naman niya rito si Edgar Allan Guzman. Kasama rin si Boots Anson Roa. Ang Director ng episode ay si Chris Marcelino.

Di isang comedian dito si Eugene, pang-award ang acting niya dahil full drama ang kanyang acting sa horror episode na ito ng SRR 13 na lahok sa 2011 Metro Manila Film Festival.

Si Zanjoe naman ay kasama sa episode na “Tamawo” kung saan kapartner niya si Maricar Reyes at kasama rin sina Bugoy Carinño at Celia Rodriguez. Si Richard Sommes ang director ng episode.

Ang isa pang episode ay ang “Parola” na tampok naman sina Louise delos Reyes, Hiro Magalona, Kathryn Bernardo, Sam Concepcion, Ina Raymundo, Dimples Romana, Ara Mina at Julia Clarete.

000

SPEAKING of Zanjoe Marudo, tuloy pala ang pagpunta nila ni Bea Alonzo sa America, particularly sa New York Square kung saan sila magpa-participate sa pagsalubong ng Bagong Taon, ang 2012.

Gustong makapunta ng America ni Zanjoe para maipakilala na niya ang kanyang current girlfriend na si Bea sa kanyang parents.

Ani Zanjoe: “Hindi naman nangangahulugan na magpapakasal na kami ni Bea. Malayo pa iyon. Wala pa sa plano iyon. Kung magplano naman ako sa buhay ko ay mabilis. Pero, hindi pa ngayon.

“Basta, gusto ko ring ipakilala si Bea sa parents ko. Naipakilala na naman niya ako sa parents niya.”

So far, aalis ang dalawa after Christmas na. Sasama pa si Zanjoe sa Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival, tapos, roon sa bahay ng parents ni Bea sila magpapasko.

000

HINDI naman daw matutuloy ang paggawa ng pelikula na magkatambal sina Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto sa Viva Films. Bale ang paggawa ng movie ang isa raw sa rason kung bakit humingi ng bakasyon si Mark Anthony sa soap opera niyang kinaaaniban, ang “Munting Heredera,” sabi ng aming source.

Totoong nagkakasakit si Mark dahil sa sunud-sunod na taping na hindi basta-basta ang kanyang role.

Challenging ito dahil lalaking nawala sa katinuan ang character niya. Unti-unting bumabalik sa reality ang kanyang isip. Maraming transformation ang character ni Jacob sa Munting Heredera.

Masaya si Mark Anthony na pinagkatiwalaan siya ng GMA-7 nang ganitong kalaking role. Bukod pa sa top rating ang show. Over extended pa. Balitang hanggang first week of February ang show.

Dahil nakare-recover na si Mark Anthony sa pagkakasakit niya, at di naman matutuloy ang movie nila ni Claudine, nagti-text na si Mark Anthony sa production people ng soap opera na puwede na muli siyang mag-taping.

Ang kaso, may problema raw dahil nakaplano na raw ang istorya ng soap. Nagawan na ng paraan para mawala ang kanyang character.

Magkaroon kaya ng bagong twist sa kwento para muling bumalik ang character ni Jacob?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply