Ex-convict todas sa boga

PATAY ang isang ex-covict matapos baralin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Catmon Malabon City kaninag madaling araw.

Dead on spot sanhi ng dalawang tama ng bala ng 9mm caliber sa katawanan ang biktma na si Noriel Del Rosario, y Sano, 29, binata at taga-Sanciangco St., Catmon ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling araw, naglalakad ang biktima kasama ang kanyang kaibigan na si alyas Raymund sa Teacher Village nang harangin ng hindi pa nakikillang mga salarin at malapitang pinagbabril.

Nauna rito nagkaroon ng mainitang pagtatalo muna ang biktima sa magkaibigang sina Martin, isang tanod ng Catmon at Ron-ron Tajaran, alyas Taruz.

Nabatid na si Noriel ay matagal nakulong sa National Bilibid Prison, sa Muntinlupa City ngunit siya ay nabigyan ng parole kaya nakalaya.

Nakarekober ang mga awtoridad ang tatlong empty shell ng 9mm caliber na pinaniniwalaang ginamit ng mga salarin.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam kung may kinalaman sa sa pagpatay kay Del Rosario sina Martin at Ron-Ron.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply