Ex-DAR chief Morales kritikal sa heart attack

NASA kritikal na kondisyon ngayon si dating Agrarian Reform Secretary Horacio “Boy” Morales matapos atakihin sa puso Huwebes ng gabi (Disyembre 1).

Si Morales, 68, ay naghahanda para sa final day ng 62nd Fil-Am Invitational Golf Tournament sa the Baguio Country Club nang siya ay atakihin sa puso.

Agad na naosugod sa Baguio General Hospital and Medical Center at inilipat din sa Notre Dame Hospital.

Nabatid din na si Morales ay may mahabang kasaysaysayan sa problema sa puso at sumailalim na sa heart bypass operation.

Si Morales na batang technocrat ng Marcos regime pero namundok at sumali sa National Democratic Front (NDF) matapos na manalo sa Ten Outstanding Young Men of the Philippines (TOYM) award noong 1977.

Siya ay ipinaaresto, pinahirapan at pinalaya ni dating Pangulong Cory Aquino matapos ang February 1986 Edsa revolution.

Tumakbo rin si Morales bilang senador sa iallim ng leftist Partido ng Bayan noong 1987 pero natalo.

Iniupo naman siya ni Estrada bilang Agrarian Reform secretary noong 1998.

Si Morales ay presidente ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM), isa sa pinakamatandang rural development organizations sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply