Ex-DAR chief nasa mabuting kondisyon na

NASA mabuting kalagayan na ang dating kalihim ng Department of Agrarian Reform na si Horacio “Boy” Morales matapos na atekihin sa puso noong Huwebes (Disyembre 1).

Gayunman, patuloy pa ring minomonitor ang kalusugan nito.

Inihayag ni Dr. Ronaldo Paraan, tagapagsalita ng Notre Dame Hospital sa Baguio kung saan naka-confine si Morales na patuloy na binabantayan ang kalagayan nito partikular na ang heartbeat at suplay ng oxygen sa dugo at utak ng dating kalihim na isa sa mga dahilan ng cardiac arrest.

Nabatid na inatake sa puso ang dating opisyal habang naghahanda para sa huling araw ng 62nd Fil-Am Invitational Golf Tournament noong Huwebes ng madaling araw.

Agad na naisugod sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) ang dating kalihim at isinailalim sa cardiopulmonary resuscitation (CPR).

Hinihintay pa ang pasya ng misis at anak ni Morales kung kailan ililipat si Morales sa isang pagamutan sa Maynila.

Nakatakdang magpalabas ng latest bulletin ang Notre Dame hospital tungkol sa huling update sa kalusugan ng dating opisyal ngayong araw.

Si Morales, 68, ay nagsilbi bilang kalihim ng DAR noong 1998-2001.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply