Ex-gov, 2 pa ipinaaaresto ng Sandiganbayan

POSIBLENG sa bilangguan magdiwang ng Pasko ang dating gobernador ng Camarines Norte, kasama ang dati nitong provincial treasurer at school division superintendent matapos mapatunayang guilty sa kasong kriminal kaugnay sa ghost projects sa lalawigan.

Ito’y matapos ipag-utos ng Sandiganbayan na arestuhin ng NBI at PNP sina dating Gov. Jesus O. Typoco Jr.; Lorna A. Coreses,  at Ariston Villareal  dahil sa kasong isinampa laban dito noong 2007.

Ang tatlo ay nahaharap sa kasong malversation thru falsification of public documents (article 217 in relation to articles 171 and 48 RPC) dahil sa ghost projects na computer room na nagkakahalaga ng P300,000 sa Daet Elementary School.

Ang kautusan ay pirmado ni Sandiganbayan Third Division presiding justice Francisco Villaruz Jr.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply