Ex-Kapitan niratrat, patay

ISANG dating Barangay Kapitan ang itinumba sa lalawigan ng Sorsogon.

Ang biktima ay kinilalang si Julio Garcera Floralde, 53, naninirahan at dating punong barangay ng Barangay Sinalmacan, Matnog, Sorsogon.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas 3:00 ng hapon ng Huwebes, ika-1 ng Disyembre, nag-aambang ang biktima sa isang waiting shed sa Barangay Balocawe sa bayan ng Matnog nang paulanan ng bala ng apat na armadong mga suspek. Kaagad umanong tumalilis ang mga suspek matapos ang insidente.

Ang tama sa ulo ni Floralde ang naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Patuloy naman ang ginagawang follow-up operation ng Matnog PNP katulong ang CIDG para matukoy at mahuli ang mga salarin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply