Ex-Pasay judge itinalaga bilang CA justice

HINIRANG bilang bagong mahistrado ng Court of Appeals si dating Pasay Regional Trial Court Judge Pedro Corales.

Ang appointment papers ni Corales na pirmado ni Pangulong Aquino ay naipadala na kay Chief Justice Renato Corona.

Sa isang pahinang liham ni Corona na may petsang ika-21 ng Disyembre kay Supreme Court en banc Clerk of Court Atty. Enriqueta Esguerra Vidal, pormal na ipinaalam ng Punong Mahistrado ang pagkakatalaga kay Corales bilang Associate Justice ng appellate court.

Si Corales ay kasama sa maikling listahan ng limang hukom na isinumite ng Judicial and Bar Council kay Pangulong Aquino.

Kasama rin sa mga nakatunggali ni Corales para sa pwesto sina Quezon City RTC Judges Maria Luisa Padilla at Severino de Castro Jr. gayundin sina Judge Maria Elisa Sempio-Diy at Guagua, Pampanga RTC Judge Jonel Mercado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply