Extra bonus ng gov’t employees aprub na

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang P11.68 billion para sa Productivity Enhancement Incentive (PEI) o extra bonus ng mga empleyado ng pamahalaan.

Sa katunayan, ayon kay Pangulong Aquino, ay matatanggap na ng mga empleyado ng gobyerno ang kanilang dagdag na bonus sa Disyembre 15.

Sinasabing tig-P10,000 ang bonus na makukuha ng mga manggagawa ng pamahalaan bukod pa ang naunang 13th month pay at Christmas cash gift na P5,000.

“‘Yung first half of the 13th month pay was given May-June. The second half should have already been given from the period [of] November 15 to 30. On top of that, there is a P5,000 cash gift and on top of the two there is a P10,000 productivity enhancement incentive, which is due to be given by December 15,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na ang 13th month at P5,000 cash gift ay base sa batas habang ang P10,000 naman ay ang productivity enhancement incentive.

Tinatayang nasa 1.67 million na government workers ang makikinabang sa dagdag na bonus.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply