Fake ‘Ruffy Biazon’ arestado sa entrapment

NASILO ng mga tauhan ng Manila Police District-District Police Intelligence Operation Unit (MPD-DPIOU) ang isang lalaki na nagpapanggap na siya si Bureau of Customs Ruffy Biazon sa isinagawang entrapment operation ngayong hapon.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang suspek na si Vimbi Avilla, 39, ng 651 M. Dela Cruz St., Pasay City at umano’y anak ng dating police captain ng Pasay City na si Jimmy Avilla.

Gumamit din ang suspek ng press ID ng Tribune kung saan gamit naman ang pangalang Raffy Santos Biazon at umano’y nagpapanggap itong komisyuner ng BOC.

Sa interview kay Commissioner Biazon (tunay) sa isang press conference, kinausap umano ng suspek ang isa sa kanilang collector sa Cagayan de Oro at hiningan ng mga contact number ng top importers ng Customs.

Dahil nagsuspetsa ang naturang collector sa CDO ay agad siyang tumawag kay Commissioner Biazon sa main office sa Maynila upang iparating ang modus ng suspek.

Sinadya naman ng komisyuner na ipabigay ang kanyang contact number sa suspek sa pamamagitan ng kanilang collector kaya nagkaroon ng pag-uusap ang mga ito.

Nang tumawag umano ang pekeng Biazon sa komisyuner ay nagpakilala naman itong empleyado ng Petroleum company upang hindi siya mabuking ng suspek na siya ang tunay na Customs commissioner.

Sa naging transaksyon ay hiningan umano ng suspek si Biazon ng halagang P50,000 para umano sa biktima ng Sendong sa CDO ngunit nakapaghulog lamang ito ng inisyal na halagang P3,000 sa M. Lhuillier Kwarta Padala kung saan na-withdraw naman ng suspek kaninang umaga sa Sta. Mesa, Maynila.

Bandang hapon ay muling tumawag ang suspek kay Biazon at humihingi uli ng P7,000 kaya agad na itong nag-report sa pamunuan ng MPD headquarters upang magsagawa ng entrapment operation sa suspek.

Ganap na alas-5:00 ng hapon ng pumoste ang mga tauhan ng DPIOU sa lahat ng branches ng M. Lhuillier sa Maynila at naaaresto ang suspek sa Pedro Gil branch matapos nitong mai-withdraw ang nasabing halaga.

Nabawi rin ang pera na ginamit sa entrapment operation.

Iniimbestigahan pa rin ang insidente at inihahanda na ang mga kasong isasampa sa suspek bukod sa syndicated extortion.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply