Fashion designer inutas ng Australian BF

PATAY ang isang pamosong fashion designer sa Cebu nang patayin ng kanyang Australian live-in partner na nagpatiwakal din sa loob ng kanilang bahay sa Mandaue City nitong Sabado ng gabi, Disyembre 17.

Ang biktimang si Joy Bernaldez, 52, ay natagpuang patay sa ikalawang palapag ng kanyang bahay sa Barangay Cabancalan na may tama ng isang bala ng baril sa ulo.

Natagpuan naman ang bangkay ng Australian si Joseph Cardona, 53, sa garahe.

Ayon sa police investigators, ang naturang banyaga ay nagbaril sa bibig matapos barilin si Bernaldez.

Si Bernaldez ay kilalang fashion designer na nagmamay-ari ng J Berns Exclusives, kompanyang itinayo nito nang siya ay 19-anyos pa lamang ayon sa kanyang website.

Lumalabas na selos ang nagtulak kay Cardona para barilin si Bernaldez dahil sa madalas na pag-uwi nito ng gabi.

Dalawang linggo pa lamang ang nakararaan, nagtungo si Bernaldez sa Mandaue District Hospital para magpatingin matapos iuntog ni Cardona ang kanyang ulo kasunod ng matinding argumento.

Nitong alas 7 p.m. ng Sabado, nabatid na umakyat si Bernaldez sa kanyang kuwarto na nasa ikalawang palapag para mag-impake ng damit para iwan na si Cardona nang sundan siya ng suspek na armado ng .22 caliber pistol, saka binaril sa ulo bago nagpakamatay naman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply