Ferry boat tumaob sa Magat river: 4 katao patay

APAT katao ang nasawi habang limang iba pa ang sugatan makaraang tumaob ang isang bangka habang naglalayag sa Magat River noong Disyembre 25.

Ayon sa report ng National Disaster Risk Reduction and Mangement Council, nangyari ang aksidente bandang alas-12:00 ng tanghali noong Pasko habang naglalayag ang ferry boat na hindi batid ang pangalan.

Nabatid na isang malakas na alon ang sumalpok sa naturang bangka sa Villaluz section sa ilog ng San Mateo, Isabela.

Pagkalunod ang ikinamatay nina Evelyn Alejo, Jeff Santos, Joana Alejo at Jomer Alejo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply