Fil-Swiss nagbigti sa Pasay

SA IKALAWANG pagkakataong pagpapakamatay ay nagtagumpay ang isang babaeng Fil-Swiss kaninang madaling-araw sa Pasay City.

Kinilala ni SPO4 Arnulfo Janaban ng Police Precinct 8 ang biktima na si Hilda Kuffman, 38, tubong Bolinao, Pangasinan at residente ng Block 16, Lot 11, Saint Agustin st., Maricaban Pasay City.

Ayon sa ulat ang bangkay ng biktima ay natagpuan ng kanyang 9-anyos na anak na lalaki habang nakabitin sa bakal na hagdanan sa ika-limang palapag ng bahay na nakapulupot ang isang nylon cord sa leeg.

Ayon sa pahayag ng bayaw ng biktima na si Dr. Nick Roxas, 51, bago naganap ang pagpapatiwakal ng biktima, nagsimba pa umano ang biktima dakong 10:00 kagabi (Disyembre 22) at walang kibong bumalik ng kanilang bahay.

Bagama’t may suicidal tendency ang biktima, hindi nila akalain na magpapakamatay ito at natagpuan ang matigas na bangkay dakong alas-4:00 kaninang madaling-araw.

Sinabi pa ni Dr. Roxas, noong nakaraang taon ay nagtangkang magpakamatay ang kanyang hipag pero agad na naagapan.

Hinihinalang labis na kalungkutan sa asawa ang naging dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply