Firecracker ban…kailan?

KATATAPOS lamang ng Pasko – at ilang araw pa bago sumapit ang New Year’s celebration pero mahigit nang 100  ang iniulat na nasaktan sa paputok.

Nakaaalarma ang ganitong balita dahil kalusugan – at kung minamalas ay buhay ang nakataya – sa masamang dulot ng firecrackers.

Sa tema ng nangyayari, pakiwari natin tataas ang numero ng mga masasaktan sa mga mahihilig gumamit ng paputok – sa darating na Linggo.

Huwag naman sana. At para ‘di mangyari ang kinatatakutan natin, kailangan eh mag-ingat sa mga paputok sa New Year’s eve.

Para siguradong walang masaktan at magbuwis ng buhay sa Bagong Taon, ang suhestiyon natin – huwag nang bumili ng paputok.

Nakababahala na talaga.

‘Di na mabilang ang mga nasaktan at napakarami na ang namatay dahil sa firecrackers at pyrotechnics.

Pero sa kabila ng masasamang naranasan natin, ‘di pa rin tayo natututo.

Patuloy pa rin tayong gu-magamit ng mga bagay na ito.

Kumbaga, nakatuturete na palagi nating naririnig at malaman na napakaraming nasusugatan at namamatay dahil sa paputok.

Tama na.

Kailangan na nating isipin na walang idinudulot na mabuti ang paggamit ng firecrackers tuwing sasapit ang Bagong Taon.

Oo nga’t naging kakambal na ang firecrackers at pyrotechnics sa pagsalubong natin ng New Year’s eve sa mahabang panahon.

At pinapasaya tayo sa ating pagdidiwang dahil sa ingay ng mga paputok, liwanag at ganda na iba’t ibang klase ng pyrotechnics.

Pero ang dulot naman ng masayang pagsalubong ng taon ay disgrasya, pagkakasugat at kung minamalas ay pagbubuwis ng buhay.

Sa ganang atin, siguro panahon na para ihinto na natin ang paggamit ng anomang klase ng paputok o pyrotechnics sa Bagong Taon.

Kailangan sigurong makialam na ang gobyerno – at kung pupuwede ay mismong si Pangulong Noynoy Aquino na ang manguna.

Ang ibig ba nating pakahulugan eh – pangunahan ng Pangulo, Senado at Kongreso ang pagbalangkas  ng batas laban sa paputok.

Kailangan dito ay isang batas na magbabawal ng paggawa at paggamit ng anomang uri o klase ng paputok at pyrotechnics.

Yon bang totally i-ban ang paputok o pyrotechnics.

Ang tanong natin…kailan mangyayari?

Sa pagputi ng uwak?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply